Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez sa Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang ‘one strike policy’ laban sa mga ninja cops at iba pang mga tiwaling pulis kabilang ang kanilang mga superiors.
Ang mga opisyal ng PNP ay muling ipatatawag ni Romualdez kaugnay ng napaulat na pagsibak sa hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region Field Unit (PNP-CIDGFU-, isa pang opisyal at 11 pang mga personnels matapos na masangkot sa robbery /extortion laban sa mga negosyanteng Chinese sa raid sa lungsod ng Parañaque noong nakalipas na Marso 13.
Sinabi ni Romualdez na dapat ang isang Commander ay alam ang mga ginagawa ng kaniyang mga tauhan sa ilalim ng kaniyang command.
Una nang sinibak ni PNP-CIDG Director P/Brig. Gen. Romeo Caramat Jr. ang 13 pulis kabilang si CIDG-NCRFU Chief P/Col Hansel Marantan na nagsumite naman ng courtesy resignation bunga ng insidente.
Inihayag ni Romualdez na dapat palakasin ng PNP ang kampanya laban sa mga tiwaling pulis upang mapanumbalik ang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa kapulisan.