-- Advertisements --

Ipinapanawagan ng ilang top Democrats sa US Congress ang agarang pagpapaalis kay President Donal Trump kasunod nang naging papel nito sa marahas na paglusob ng kanyang mga supporters sa US Capitol.

Umapela sina Speaker Nancy Pelosi ng California at Senator Chuck Schumer ng New York kay Vice President Mike Pence na i-invoke ang 25th Amendment, na nagpapahintulot sa kanya at sa cabinet na bawiin ang kapangyarihan ni Trump bilang pangulo.

Sakali man na tumanggi rito si Pence, sinabi nila na handa ang Democrats para i-impeach si Trump sa ikalawang pagkakataon.

Sa isang pambihirang pulong balitaan sa Capitol, inisa-isa ni Pelosi ang pangalan ng mga miyembro ng Gabinete, at tinanong ang mga ito kung bakit hindi sila manghimasok.

Umaasa aniya siya na makakuha ng sagot mula naman kay Pence sa araw na ito kung gagamitin nito ang 25th Amendment. (NYTimes)