-- Advertisements --
House of Reps Congress
House of Representatives

Tiniyak ni Speaker Romualdez na sa ilalim ng kaniyang liderato hindi ito-tolerate ng Kamara ang maling pag-uugali at maling gawain ng sinumang house members.

Ito ang binigyang diin ni Romualdez bago pa mag Lenten break ang Kamara.

Ayon kay Speaker ang pagpataw ng disciplinary action kay Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na umano’y nauugnay sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at sa iba pa ay isa sa mga mahahalagang asunto na nais ng mababang kapulungan na matugunan.

Inihayag ni Speaker na dumaan sa due process ang naging rekumendasyon ng committee on ethics and privileges na kanilang simulan ang moto propio investigation hinggil sa unauthorized travel clearance ng mambabatas.

Samantala, ipinagmalaki naman ni speaker ang mga naging accomplishments ng kamara.

Isa na dito ang pag imbestiga ng kamara sa hoarding at price manipulation sa sibuyas at iba pang agri products.

Ilang mga resource speakers na rin ang na cite for contempt dahil sa pagsisinungaling.

Ang mga serye ng pagdinig ay nagdulot ng positibong resulta kung saan bumalik sa normal ang presyo ng sibuyas.

Napigilan din ang pagtaas ng premium rates ng Philippine Health Insurance Corporation matapos aprubahan ang House Bill (HB) No. 6772, na layong bigyan ng power ang Pangulo na isuspend ang pagtaas ng premium.

Nasa 21 mula sa 31 LEDAC Bills na priority measures ng Marcos Admin ang naaprubahan ng Kamara.

Kahapon ang huling sesyon ng Kamara dahil sa lenten break na ito, at sa darating na May 8 mag reresume ang session.

Gayunpaman inihayag ni speaker na magpapatuloy sa pagta trabaho ang kamara lalo na duon sa mga isinasagawang commitee hearing.

“Despite our differences in opinion, together we resolved all sorts of contentious issues and agreed to achieve productive ends for our country as a whole. Let us continue to work hard, make ourselves better as lawmakers and strive further to sustain the gains and realize our aspirations,” pahayag ni Speaker Romualdez.