Sumakay sa subway sina House Speaker Martin Romualdez at Special Assistant to the President (SAP Anton Lagdameo Jr. sa New York City sa Amerika bandang alas-7:00 ng gabi nuong Miyerkules (US time) o alas-7:00 ng umaga ngayong araw ng Huwebes (Philippine time) para hindi ma late sa kanilang susunod na meeting engagement.
Nabatid na mabigat ang daloy ng trapiko sa New York dahil sa ginanap na ika-77th UN General Assembly.
Nasa US sina Romualdez at Lagdameo dahil kabilang sila sa official delegation ng Pangulong Bongbong Marcos.
Habang nasa US ang Pangulo, kabilaan ang mga dinadaluhang pulong nito kasama ang kaniyang delegasyon.
Ayon sa post ni Juan Xavier Tengco, natuwa siya makita na sakay sa subway ang dalawang mataas na opisyal ng bansa.
” Due to the heavy traffic brought about by the United Nations General Assembly, had the opportunity to take Speaker Martin Romualdez and SAP Anton Lagdameo via subway just to make it in time for their next official meeting,” pahayag ni Tengco.