-- Advertisements --

Dinapuan ng Hodgkin lymphoma ang dating world number six tennis player na si Carla Suarez Navarro.

Isa umano itong uri ng cancer na kailangang sumailalim ng anim na buwan na chemotherapy.

Sa kaniyang social media acocunt, ibinunyag ng 31-anyos Spanish tennis star ang resulta ng pagsusuri sa kaniya.

Pinawi nito ang pangamba ng kaniyang mga fans at sinabing nasa mabuting kalagayan ito.

Bumuhos naman ng suporta mula sa kapwa nitong mga tennis star ng malaman nila ang kalagayan nito.