Reading Time: 1 minute
Camilo Sesto
Camilo Sesto

Pumanaw na ang sikat na Spanish singer na si Camilo Sesto sa edad 72.

Ayon sa kaniyang manager na si Eduardo Guervos, inatake ito sa puso at itinakbo pa sa Madrid hospital subalit hindi na nagtagal.

Nanguna si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez sa pagbibigay pugay at nalungkot ng mabalitaan ang pagpanaw ni Sesto.

May mahigit 100 million na album ang kaniyang naibenta sa kaniyang buong career.

Tinagurian itong bilang iconic voices sa Latin pop noong dekada 70 at 80.