-- Advertisements --
Falcon 2 Space x

Matagumpay ang isinagawang paglunsad ng SpaceX spacecraft na may lulan na apat na astronauts.

Kinabibilangan ito nina Michael Hopkins, Victor Glover, Shannon Walker at Soichi Noguchi, astronaut mula sa space agency ng Japan.

Inaasahan na makakarating ang mga ito sa International Space Station (ISS) ngayong araw ng Martes.

Mananatili sa orbit ang nasabing crew ng 27 oras habang ang SpaceX Crew Dragon Capsule ay dahan-dahang umiikot sa kaniyang destinasyon.

Naantala ang nasabing paglunsad ng nasabing aircraft dahil sa pananalasa ng hurricane.