-- Advertisements --
Nanawagan si South Korean President Moon Jae-In ng mabilisang pagbabalik pag-uusap sa pagitan ng US at North Korea.
Isinagawa ni Moon ang panawagan ng magsalita ito sa United Nations General Assembly.
Ang nasabing panawagan ay isang linggo matapos na ibunyag ng Washington na nilabag ng Pyongyang ang UN Security Council resolution sa pamamagitan ng pagpapalipad ng ballistic missiles.
Maguugnitang natigil noong 2019 ang usapin ng US at North Korea matapos na hindi pumirma si Kim Jong Un sa kasunduan na tapusin na ang kanilang nuclear program.
Nauna ng sinabi ni US President Joe Biden na handa silang makipag-usap sa North Korea.