-- Advertisements --

Sinimulan na ng South Korea ang malawakang aerial military exercise.

Ang nasabing hakbang ay para mapaigting nila ang depensa sa kanilang bansa laban sa pag-atake.

Gaganapin ang limang araw na combat training exercise sa 29th Tactical Fighter Weapons Group sa Chenongju, North Chungcheong province.

Mula noong 2008 ay dalawang beses kada taon isinasagawa ng South Korea Air Force ang Soaring Eagle exercise.

Nagsanay ng iba’t-ibang military drills gaya ng defensive operations na kayang makita at maharang ang anumang kalaban.

Aabot sa 200 military personnel ang kasama sa Soaring Eagle exercise ganun din ang 70 fighter jets gaya ngF-35A, F-15K, KF-16, FA-50, F-4E, F-5 fighter jets, KA-1 light attack aircraft, E-737.