-- Advertisements --
image 238

Maaaring palawigin ng South Korea ang suporta nito para sa Ukraine nang higit pa sa humanitarian at economic aid kung ito ay sasailalim sa isang malawakang pag-atake ng mga sibilyan.

Sinabi ni South Korea President Yoon Suk Yeol, na ito’y nagpapahiwatig ng pagbabago sa kanyang paninindigan laban sa pagbibigay ng armas sa Ukraine sa unang pagkakataon.

Sa isang pahayag bago ang kanyang pagbisita sa sa U.S. sa susunod na linggo, sinabi ni Yoon na inaaral ng kanyang gobyerno kung paano tumulong sa pagtatanggol at muling pagbangon ng Ukraine.

Ang planong pagtulong ng bansa ay tulad ng pagtanggap ng South Korea ng international aid mula sa Ukraine noong 1950-1953 Korean War.

Ito ang unang pagkakataon na iminungkahi ng Seoul ang isang pagpayag na magbigay ng mga armas sa Ukraine.
Top