-- Advertisements --
Nagtala ng mahigit 10,000 na kaso ng COVID-19 ang South Korea.
Ang nasabing bilang ay siyang pang-limang araw na mayroong mahigit na 10,000 na kaso na naitala.
Ayon sa Korean Disease Control and Pevention Agency (KDCA) na kasama sa kanilang naitala ang 15 kaso na galing pa sa ibang bansa.
Patuloy na ikinokonsidera ng gobyerno ang pagluwag ng ilang mga restrictions dahil sa hindi na tumataas ang nasabing kaso.
Maguugnitang noong Enero 30 ay tinanggal na nila ang indoor mask mandate na ipinatupad mula pa noong Oktubre 2020.