-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag kaugnay sa resulta ng paraffin test kay Mel Oragon ang volunteer driver na pinaghihinalaang nagpaputok sa Senado noong Mayo 13.

Ayon sa NBI chief, bagaman nagpositibo si Oragon sa gunpowder residue, hindi ibig sabihin nito na tiyak siyang gumamit ng baril.
Posibleng nailipat lang daw ang gunpowder sa katawan ni Oragon mula sa iba, lalo na’t dinadala siya sa Senado at idinapa sa lugar kung saan nagpaputok ang mga Senate Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA).

“Halimbawa, ‘yong humawak sa ‘yo may gunpowder sa kamay, nalipat sa ‘yo, sa katawan mo… Idinapa siya kung saan mismo nagpaputok ng baril ‘yong mga OSAA. Maraming gunpowder do’n, sigurado. So that’s a possibility,” paliwanag niya.

Matatandaang itinanggi ni Oragon na siya ang nagpaputok sa gitna ng kaguluhan sa Senado at iginiit na may video na magpapatunay na wala siyang baril.