-- Advertisements --

Inalok ng South Korea ang North Korea na bigyan sila ng bakuna laban sa COVID-19.

Kasunod ito sa pinangangambahang COVID-19 outbreak sa North Korea matapos na nagtala ng isang katao na ang nasawi.

Sinabi ni South Korean President Yoon Suk-yeol na hinihintay lamang nila ang tugon ng North Korea kung nais nilang tanggapin ang bakuna na kanilang ipapamigay.

Umaasa rin ito na lumambot ang kalooban ni North Korean lider Kim Jong Un na tumanggap ng tulong mula sa ibang bansa.

Maraming experts rin ang nagsabi na maaaring hihingi muna ng tulong ang North Korea sa kaalyado nitong bansang China.

-- Advertisement --

Una ng sinabi ng isang opisyal ng South Korea na hindi tinanggap ng North Korea ang Sinovac vaccine at ang British-Swedish vaccine na Astrazeneca dahil mas nais nila ang mga bakuna na gawa mula sa western countries gaya ng Pfizer at Moderna.

Una na ring sinabi ng US na handa nilang tulungan ang North Korea subalit wala aniya silang balak na bigyan sila ng COVID-19 vaccine.