-- Advertisements --
Nabawi na ng South Korea ang mga bahagi ng spy satellite ng North Korea na bumagsak sa kanilang karagatan noong Mayo.
Ayon sa South Korea military na walang anumang laman na pang-iispiya at ito ay bilang siang reconnaissnace satellite.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na nabawi ng South Korea ang bahagi ng mga satellite.
Noong Hunyo kasi ay nabawi nila ang bahagi ng pumalpak na rocket at payload na bumagsak sa karagatan.
Tinapos na rin nila ang paghahanap ng iba pang mga bahagi ng bumagsak na rocket satellite.