-- Advertisements --

Nabasag ng South Korea ang sarili nitong record sa pinakamababang fertility rate sa buong mundo.

Ayon sa Statistics Korea na bumagsak sa 0.78 ang reproductive life na average numbers ng mga sanggol sa bawat kababaihan ng South Korea.

Ang nasabing bilang ay siyang pinakamababa sa mga bansa sa Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) na mayroong average rate na 1.59 noong 2020 at mas mababa sa 1.64 sa US at 1.33 sa Japan noong 2020.

Ang capital ng South Korea na Seoul ang may pinakamababang birth rate na 0.59.

Sa loob ng 16 na taon ay gumastos ang gobyerno nila ng nasa $210 bilyon para matugunan ang mababang birth rate sa nasabing bansa.