-- Advertisements --
Mariing kinondina ng South Korea ang panibagong pagpapalipad ng North Korea ng dalawang ballistic missiles sa karagatang malapit sa Korean Peninsula.
Ayon sa Joint Chief of Staff ng South Korea na dalawang medium-range missiles ang pinakawalan ng North Korea sa taas na 500 kilometers.
Sinabi naman ni Japanese Vice Defense Minister Toshiro Ino na bumagsak ang missile sa labas ng exclusive economic zone ng Japan at wala umanong naidulot nito na damyos.
Kasama ng South Korea ang US intelligence authorities sa pagsasagawa ng pag-analisa sa nasabing insidente.