-- Advertisements --
Gumagawa na ng paraan ang mga otoridad sa South Korea para makontrol ang pananalasa ng surot sa kanilang bansa.
Nasa 17 outbreaks na ang naitala sa kapital na Seoul at sa mga lungsod ng Busan at Incheon.
Naglaan na sila ng $383,000 na pondo para tugunan ang nasabing problema.
Unang naiulat ang pamemeste ng mga surot noong Setyembre sa isang unibersidad sa Daegu City hanggang kumalat ito sa mga tourist accomodation at mga transportasyon.
Magugunitang naging problema rin ang nasabing surot sa mga bansang United Kingdom at France.