-- Advertisements --
Personal na bumisita sa White House si South Korean President Yoon Suk Yeol.
Personal nitong nakausap si US President Joe Biden kung saan napagkasunduan nila ang pag-deploy ng nuclear-armed submarine sa South Korea.
Sinabi ni Biden na ang kanilang pagpupulong ay nagpapatunay ng matibay na samahan ng US at South Korea.
Pagtitiyak naman ni Biden na sa nasabing kasunduan ay magiging handa na sila sa bantang nuclear ng North Korea.