-- Advertisements --
image 87

Nagpaputok ang South Korea at US military ng isang volley ng missiles bilang tugon sa paglulunsad ng North Korea ng ballistic missile sa Japan.

Sinubukan ng nuclear-armed North Korea ang isang intermediate-range ballistic missile (IRBM) nang mas malayo kaysa dati noong Martes, na nagpapataas nito sa Japan sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon at nag-udyok ng babala para sa mga residente doon na magtago.

Nagsagawa ng sariling missile drill ang tropa ng South Korea at America bilang tugon nito.

Ang bawat panig ay nagpaputok ng isang pares ng US-made ATACMS short-range ballistic missiles.

Kinumpirma naman ng US at South Korean military na nabigo sa launching ang isang South Korean Hyunmoo-2 missile at nag-crash ngunit hindi nagdulot ng kaswalti.

Nauna nang kinondena ni US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang ginawa ng North Korea at tinawag ito ng European Union na “reckless and deliberately provocative action”.

Kinondena rin ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang paglulunsad at sinabing ito ay isang paglabag sa mga resolusyon ng Security Council.

Hiniling ng Estados Unidos sa UN Security Council na makipagpulong sa North Korea sa Miyerkules ngunit sinabi ng mga diplomat na tutol ang China at Russia sa isang pampublikong talakayan ng 15-member body.