Mainit na tinanggap ni King Charles III sa Buckingham Palace si South African President Cyril Ramaphosa.
Si Ramaphosa ang siyang unang mataas na lider ng bansa na bumisita mula ng maupo ang British monarch nitong Setyembre.
Kasamang sumalubong kay Ramaphosa at asawa nito ang panganay na anak ni Charles na si Prince William at asawa nitong si Kate sa central London hotel.
Ito ang unang state visit sa United Kingdom mula ng bumisita sina dating US President Donald Trump at asawang si Melania noong 2019.
Bibisita si Ramaphosa sa Westminster Abbey para magsagawa ng wreath laying sa Tomb of the Unknown Warriors at makita rin ang memorial stone ni dating South African President Nelson Mandela.
Nakatakda rin itong magtalumpati sa harap ng mga mambabatas sa parliamento ng UK at makikipagpulong kay Prime Minister Rishi Sunak.
Ang nasabing pagbisita ay naiplano na bago pa man pumanaw si Queen Elizabeth II noong Setyembre kung saan pagtitibayin dito ang relasyon ng dalawang bansa.