-- Advertisements --

Inanunsyo ng mga health officials sa South Africa na pansamantala munang ititigil ng bansa ang pamamahagi ng bakuna na gawa ng Astrazeneca.

Kasunod na rin ito ng isang pag-aaral na nagpapakita umano na binabawasan ng nasabing bakuna ang proteksyon ng isang inbidwal laban sa coronavirus variant na unang natuklasan sa nasabing bansa.

Sa isinagawang briefing, sinabi ni South Africa Minister of Health Dr. Zweli Mkhize na magiging pansamantala lang ang pagtigil sa pamimigay ng bakuna habang inaaral pa ng mga siyentipiko kung paano mas magiging epektibo ang pamamahagi ng AstraZeneca vaccine.

Magpapatuloy naman daw ang South Africa sa pamimigay ng mga bakuna gawa ng Pfizer/BioNTech at Johnson & Johnson.

Nababahala raw kasi ang mga ito na baka hindi lang posibleng ma-import ang bagong variant ng nakamamatay na virus, subalit maaari rin ito na maging home grown.

Batay sa mga datos, ang dalawang doses ng Oxford/AstraZeneneca Vaccine ay maliit lamang ang proteksyon na kaya nitong ibigay laban sa mga mild at moderate COVID-19 variant.