Isinusulong ni Senate Pres. Vicente Sotto III ang pagpapalawig pa ng coverage ng mass testing ng gobyerno sa COVID-19.
Kasunod ito nang paghahanda ng karamihan sa posibilidad na pagbaba ng enhanced community quarantine sa general community quarantine ng ilang lugar.
Ikinababahala ng Senate president ang inaasahang pagbabalik trabaho ng karamihan sa mga manggagawa, sa kabila ng mataas pa ring mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.
“These employees duly complied with the stay-at-home order of the government. They just stayed inside their homes for almost two months. They were not exposed to anyone who is sick of COVID-19. They did not show and feel any of the symptoms,” ani Sotto sa isang statement.
“Kung sila na nasa bahay lang at sumunod sa lahat ng health protocols ay nag-positive sa virus, siguradong mas malala ang pwedeng mangyari kung ma-lift na ang enhanced community quarantine at ang lahat ay papayagan ng lumabas ng kanilang mga bahay.”
Ayon sa senador, magsilbing halimbawa sana sa gobyerno at publiko ang naging karansanan ng Mataas na Kapulungan na kamakailan ay ginulat ng mga sunod-sunod na confirmed cases.
Una nang nagdeklara ang Department of Health ng expanded testing, pero para kay Sotto dapat pa itong palawakin para makita ng mga opisyal ang totoong larawan ng COVID-19 situation sa bansa.
“Let us remember that even among the quarantined population, the threat that the virus had already invaded their communities and even homes without them being aware of it is also high.”
“Premature lifting of strict quarantine regulations could lead to a worse second COVID-19 wave.”