LEGAZPI CITY – “Doing great” at physically fit na sa nagpapatuloy na training ang Sorsogon surfer na si Vea Estrellado para sa pagsabak nito sa International Surfing Association (ISA) world surfing games.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Sorsogon Provincial Tourism Officer Bobby Gigantone, sinabi nito na natapos na ni Estrellado ang training nito sa water safety management habang dumating na rin ang coaches nito mula Manila.
Tinimbang na rin ang kategorya na lalahukan nito.
Dumalo na rin ni Estrellado sa meeting ang mga kasamang kakatawan ng bansa sa competition at naka-comply na sa mga requirements.
All-out rin ang suporta ng provincial government na nagbigay pa ng tatlong surf board at allowance kay Estrellado, na tutungo na ulit sa Maynila sa Mayo 13 at diretso nang babiyahe patungong El Salvador.
Isa lamang si Estrellado sa mga kinatawan ng bansa sa world surfing games na gaganapin mula Mayo 29 hanggang Hunyo 6 ng kasalukuyang taon.