-- Advertisements --

Nagkasundo ang actress na si Sophie Turner at dating asawa na si Joe Jonas sa pagkustodiya ng kanilang dalawang anak.

Ayon sa dalawa na naresolba nila sa korte na paghahatian nila ang kustodiya ng anak.

Una kasi ay matapos ang paghain nila ng divorce ay ipinaabot ni Turner ang pagkustodiya sa dalawang anak dahil hindi pumayag ang asawa na dalhin ang mga ito sa United Kingdom.

Matapos ang pag-uusap sa korte ay pumayag sila na may panahon na maaaring dalhin ang mga anak sa US at sa UK.