-- Advertisements --

Nagpulong ngayong araw ang mga organisasyong nagbabalak magdaos ng kilos protesta, kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Nagmula ang mga ito sa iba’t-ibang grupo na nagsusulong ng sari-saring adbokasiya.

Nagsilbing moderator sa video conference si dating DSWD Sec. Dinky Soliman.

Nakilahok naman sa online event sina Sister Mary John Mananzan; Dean Chel Diokno; Jean Enriquez – MATA; Rose Trajano – iDefend; Atty. Sonny Matula – NAGKAISA; Renato Reyes, BAYAN; Atty. Rey Cortez , NUPL; Raoul Manuel, Youth Act Now; Sr. Ma. Liza Ruedas, DC for One Voice; Cristina Palabay, Karapatan; Atty. Aaron Pedrosa, Sanlakas; Leody de Guzman, BMP-PAGGAWA; Lisa Ito, Concerned Artists of the Phils; Josua Mata – Kalipunan ng mga Kilusang Masa (KALIPUNAN); Rene Magtubo – PM Coalition at Atty. Virginia Lacsa Suarez – KILUSAN.