Nakipagpulong si Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. sa 200 opisyal ng lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng gobyerno para talakayin ang solusyon sa lumalalang trapiko sa Metro Manila.
Ang ilang serye ng konsultasyon kaugnay sa trapiko at transportasyon ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tugunan ang isyu sa trapiko sa rehiyon.
Sa pinakabagong konsultasyon na isinagawa noong Marso 12 sa Barangay Holy Spirit sa Quezon city, tinalakay ang traffic management at road safety sa National Capital Region.
Kabilang din sa mga tinalakay na isyu ay ang planned regulation ng e-trikes, barangay road clearing operation at street pay parking oridinances ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay Sec. Abalos ang resulta ng isinagawang konsultasyon ay iprepresenta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Regional Town Hall meeting kaugnay sa Traffic Management sa susunod na Lunes, Marso 25.