-- Advertisements --

Iginiit ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na taasan ang pensyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) kaysa dagdagan ang contribution ng mga ito.

Tinawag ni Zarate na “Grinch” ang SSS dahil sa wala talaga aniyang pakialam ito  kahit tinamaan ng pandemya at kalamidad ang mga miyembro maka-kolekta lang.

Nilinaw din nito na hindi dapat gawing dahilan ng SSS na nagpautang sila sa panahon ng pandemya dahil babayaran naman iyon ng mga miyembro nang may interes pa.

Kaya naman nananawagan si Zarate sa liderato ng Kamara at ng Senado na apurahin ang pag-apruba sa House Joint Resolution No. 1 (HJR No.1) na nananawagan ng agarang release ng P1,000 dagdag na pensiyon.

Ito ay para mapilitan na rin ang SSS na ibigay ang matagal nang naantalang pension hike ng kanilang mga miyembro.