Hinimok ng isang kongresista ang Securities and Exchange Commission (SEC) maging ang mga lokal na pamahalaan na kaagad suspendihin ang business permits ng mga investment scammers.
Maging ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ang Department of Information and Communications Technology ay hinimok din ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. na gumawa ng aksyon laban sa mga scammers.
Nitong taon lamang aniya, 16 na advisories ang inilabas ng SEC na nagbibigay ng babala sa publiko hinggil sa illegal na negosyo at kahina-hinalang investment schemes.
“The SEC must investigate, suspend, revoke business documents, and file charges directly with the government prosecutors in the cities and towns where the head offices of the suspected scammers are located,†ani Garbin.
Dapat na i-alerto naman din aniya ng SEC ang BSP maging ang Anti-Money Laundering Council samga kahina-hinala at iligal na business behavior ng mga kompanya na kanilang natukoy na sangkot sa investment scams, upang sa gayon ay mahigpit na mabantayan ang money trail at makalakap na rin ng mga ebidensya.
“When local government officials, who are persons in authority, notice that hundreds or thousands of their constituents are victims of the scammers, they should suspend or revoke the business permits and licenses of the scammers,†saad ng kongresista.
Dahil dito, sinabi ni Garbin na muli niyang ihahain ang panukalang batas na nagre-regulate sa collective investment schemes pagsapit ng 18th Congress.
Nabatid na inaprubahan na ng Kamara ang panukalang batas na ito na nagbibigay ng komprehensibong regulatory at legal framework para sa collective investment schemes, subalit bigo naman ang Senado na maipasa ito noong 17th Congress.