-- Advertisements --

Nananawagan na si House Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa pamahalaan na dagdagan ang bilang ng bakunang ipinapadala sa kanila sa Cagayan de Oro.

Apela ito ni Rodriguez, partikular na sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, sa harap nang patuloy na pagsipa ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Sa katunayan, sinabi ni Rodriguez na nagpadala na siya ng luham kina Health Secretary Francisco Duque III at Cabines Secretary Karlo Nograles patungkol sa kanyang apela.

Ipinunto ng kongresista na sa mga nakalipas na araw ay iniulat ng OCTA research group na ang Cagayan de Oro ay ikinukonsidera na bilang “area of concern” dahil sa 75-percent na pagtaas sa bilang ng infections doon.