Nanawagan si House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda sa Board of Investments na kaagad maglabas ng Strategic Investment Priorities Plan (SIPP) para sa pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Salceda, ang SIPP na nakapaloob sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE), ang siyang magsisibling bibliya ng pamahalaan para sa industrial planning sa mga susunod na taon.
Mahalaga aniyang mailabas sa lalong madaling panahon ang SIPP upang sa gayon ay mayroong pagbabasehan ang mga investors kung makabubuti ba sa kanila na mag-invest sa Pilipinas.
Ang SIPP kasi aniya ang siyang nagdedesisyon sa kung magkanong incentives ang makukuha ng mga investors sa bansa.
Iginiit ni Salceda na ang CREATE law ang siyang “most readily available tool” para sa economic recovery sapagkat ito ang pinakamalaking tax stimulus para sa mga negosyo sa kasaysayan ng bansa.
Sa CREATE, babawasan ang corporate income tax (CIT) sa 25% para sa malalaking kompanya, at 20% naman sa mga small at medium corporations o iyong mayroong net taxable income na aabot ng hanggang P5 million, at kabuuang assets na aabot naman hanggang P100 milion.
Dagdag pa ni Salceda, crucial ang CREAT para sa paglago ng iba’t ibang probinsya sa bansa dahil makakatanggap ng apat hanggang putong taon na income tax holdidays ang mga investors na magtatayo ng kanilang negosyo sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.