Itinuturing ni Solenn Heusaff na magandang simula ng 2020 ang nagkataong pagsilang niya sa first baby nila ng Argentinian businessman husband.

Nabatid na sa ospital sinalubong ni Heusaff at asawang si Nico Bolzico ang New Year 2020.

Ngayong araw, nag-post online ang 34-year-old model/actress ng larawan niya habang nanganganak kung saan katabi nito ang mister.

“Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana,” caption ni Solenn.

Hindi naman binanggit kung sa bisperas o sa mismong pagpasok ng 2020 nanganak si Solenn.

Ito ang panganay ng mag-asawa, tatlong taon matapos ikasal noong 2016 sa France.

Samantala, ang sister-in-law at kapwa artista ni Solenn na si Anne Curtis ay nakatakda namang manganak sa March 2020.

Napang-asawa ni Curtis ang kapatid ni Solenn na si Erwan.

Taong 2017 nang ikasal si Anne sa blogger/restaurateur sa pamamagitan ng engrandeng private ceremony sa New Zealand.