-- Advertisements --

Pinangunahan ng Department of Energy (DOE), Department of Science and Technology (DOST) at University of Philippines Diliman ang pagpapasinayan ng bagong Solar Electric Vehicle Charging Network na matatagpuan sa UP Diliman Electrical and Electronics Engineering Institute.

Pinangunahan nina Gen. Elmo San Diego, head ng QC Department of Public Order and Safety kasama sina Dir. Patrick Aquino ng DOE, Dr. Enrico Paringit ng DOST-PCIEERD, at Dr. Aleli Bawagan, UP Diliman Vice Chancellor for Community Affairs ang pagpapasinaya ng mga charging stations.

Kasabay nito, pinasinayaan din ang mga bagong charging stations sa Barangay Payatas Environmental Building sa pangunguna ni Kap. Manny Guarin, at DPOS building sa QC Hall.

Layon ng proyekto na magkaroon sapat na charging stations at suportahan ang inisyatibo ng Lungsod Quezon sa pagpapalawig ng green at sustainable transportation tulad ng paggamit ng mga electronic tricycles, e-bikes, e-scooters, at iba pang electronic vehicles.