-- Advertisements --

Bukas umano ang pintuan ni South Korean President Moon Jae-in na dumalo sa Group of Seven summit kung hihilingin ito ni US President Donald Trump.

Ayon sa presidential office ng South Korea, nakausap na ni Moon si Trump sa telepono noong Lunes upang ipahatid ang mensahe.

Nais daw ng naturang bansa na magkaroon ng parte sa paksa tungkol sa coronavirus quarantine at ekonomiya.

Sinabi pa ng president na magsisilbing hudyat na bumalik na sa normal ang lahat kung sakaling matutuloy ang face-to-face meeting.

Nabanggit din nito na nais daw ni Trump na hingin ang suhestyon ni Moon tunngkol sa framework ng G7.

Aminado naman si Moon na may limitasyon lamang ang G7 sa kanilang pagtugon tungkol sa global issues pati na rin ang paghahanap ng solusyon para rito.