Nagbabala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na posibleng maabuso ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) bill.

Ayon kay Sotto, sa comfort room (CR) issue pa lang ay nagiging problema na ang iba na nagde-demand ng treatment na katulad sa biological women.

Sa gusali nga raw ng Senado na may neutral gender bathroom na ay may ilan pang transgender na tumatambay sa CR ng kababaihan.

Pina-check raw niya ito sa Sergeant-at-Arms para maiwasan ang gusot.

Paniwala ni Sotto, may ilan talagang gumagawa ng rason para paalisin at saka gagawa ng ingay upang makakuha ng simpatiya upang magmukha siyang kinawawa.