Mas maigi umanong permanente nang tanggalin sa Pilipinas ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dahil na rin sa dulot nito na social cost.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno on Thursday, dapat daw ay umiwas na ang ating bansa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) dahil na rin sa social at reputational risks.
Binigyang diin ni Diokno na kahit wala ng Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa dahil bumaba na rin ang revenue generation ng naturang industriya.
Sa Development Budget Coordination Committee briefing for senators na may kaugnayan sa National Expenditure Program para sa taong 2023, sinabi ni Diokno na ang total revenues mula sa naturang industriya ay tinatayang P3.9 billion noong 2021 mula sa dating P7.2 billion na naitala noong nakataang taon.
Malaki rin umanong katanugan sa ngayon kung bakit hindi na rin itinuloy ang nasabing industriya sa China at Cambodia saka naman sila pumapasok sa Pilipinas.
Pero ayon kay Diokno, ang naturang hakbang daw ay posibleng dahil na rin sa loose o hindi mahigpit na pamamalakad ng pamahalaan kaugnay ng mga Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.
Kung maalala, noong Setyembre taong 2019 nang nagbanta na rin ang Department of Finance na i-shut down ang mga Philippine Offshore Gaming Operators dahil sa tax liabilities at mga hindi nakolektang withholding income taxes na tinatayang P21.62 billion.
Kasunod nito, marami na rin umanong mga Philippine Offshore Gaming Operators ang nagsara.
Noong taong 2020, sinabi ni Finance Department na ang dapat na revenue ng government mula sa Philippine Offshore Gaming Operators ay dapat na nasa P20 billion kada taon pero ang collection ay pumalo lamang noong 2019 sa P6 billion.
Depensa naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mayroong “legal issues” na humaharang sa collection ng franchise taxes mula sa mga Philippine Offshore Gaming Operators dahil hindi raw sila dapat na magbigay ng buwis dahil hindi naman daw sila non-resident corporations.
Sa kanilang namang bahagi, sinabi ng Philippine Offshore Gaming Operators Industry na nirerepresenta ng Accredited Service Providers Association of Philippine Amusement and Gaming Corporation (ASPAP) na nagbayad daw ang mga miyembro dahil sa required regulatory fees at corporate at withholding taxes ng kanilang mga manggagawa.