Julie Pomagalski
-- Advertisements --

Patay matapos matabunan ng avalanche ang dating snowboarder champion na si Julie Pomagalski.

Ayon sa tagapagsalit ng French Ministry of Sports, nasawi ang 40-anyos na snowboarder ng maganap ang avalanche sa Uri canton, Switzerland.

Pababa na ito sa Gemsstock mountain kasama ang tatlong iba pa ng mangyari ang aksidente.

Hindi pa nakikilala ng mga otoridad ang dalawang kasamahan nito habang inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi rin ng nasabing avalanche.

Kasama nitong nasawi si Bruno Cutelli ang mountain guide sa lugar.

-- Advertisement --

Naging snowboard champion si Pomagalski noong 1999 at nagwagi siya sa Snowboard World Cup noong 2004.

Ni-represent niya an France noong Winter Olympics sa Salt Lake City noong 2002 sa Turin, Italy noong 2006.