CAGAYAN DE ORO CITY – Direkta nang pinanghahawakan ng Police Regional Office 10 ang imbestigasyon ukol sa sniper attack kung saan target subalit nakaligtas si Deputy House Speaker at Misamis Occidental 2nd District Rep Henry Oaminal habang nasa kasagsagan ng Christmas party kasama ang co-candidates sa 2022 elections sa Tangub City.
Ito’y matapos tinungo mismo ni PRO 10 regional director Brig Gen Benjamin Acorda Jr ang probinsya upang alamin ang kasalukuyang investigation status ng Special Investigation Task Group na tumutok sa pangyayari kung saan sumugat subalit kapwa ligtas na kina incumbent Lopez Jaena Mayor Michael Gutierrez at former Oroquieta City Mayor Jason Almonte.
Sinabi sa Bombo Radyo ni PRO-10 spokesperson Lt Col Michelle Olaivar na kinuha nila sa provincial level ang imbestigasyon upang lumaki pa ang coverage ng imbestigasyon at maiwasan rin ang impluwensiya mula sa magkabilang panig.
Inihayag ni Olaivar na bagamat hindi pa nila inilatag sa publiko subalit mayroon na silang sinusundan at ikino-konsidera na mga personalidad kung bakit pinagtangkaan ang buhay ni Oaminal na tumakbo ng pagka-gobernador g lalawigan.
Kung maalala,mismo si PNP spokesperson Col Roderick Alba ang tumukoy na hindi lumalayo sa election related violence ang nangyari sa tatlong local running candidates lalo pa’t may kainitan ang klima ng politika sa probinsya.
Si Oaminal ay humahamon sa re-election attempt ng kanyang dating kapartido na si incumbent Misamis Occidental Provincial Governor Philip Tan.
Napag-alaman na ang kampo ni Oaminal ay nasa panig ng PDP-Laban Cusi faction ni President Rodrigo Duterte habang si Tan ay sumisilong naman sa Hugpong ng Pagbabago ni Lakas CMD vice presidential candidate Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.