KORONDAL CITY – Mahigpit na nagbabala ang pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG-12) sa sinumang indibidwal na palihim na nagpapapasok ng mga tao sa rehiyon mula sa mga itinuturing na COVID highly infected areas sa bansa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay DILG 12 Information Officer designate Arthur Condes, sinabi nito na may nagpaabot sa kanila ng impormasyon sa nangyayaring “smuggling of people” papasok sa rehiyon na hindi na isinasailalim sa quarantine.
Kaugnay nito, magsasagawa umano ng imbestigasyon ang kanilang tanggapan upang masiguro na walang may makakapasok sa rehiyon na hindi nalalaman ng LGU’s.
PInag-aaralan na rin umano sa ngayon ang sanction na maaaring kakaharapin ng mga sangkot sa nasabing gawain.