CENTRAL MINDANAO-Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Known as the Customs Modernization and Tariff Act ang mga suspek na nagbebenta ng smuggled cigarettes sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay Libungan OIC Chief of Police Captain Razul Pandulo na tumanggap sila ng impormasyon sa tatlo katao na nagbebenta ng smuggled cigarettes sa Public market site malapit sa old municipal compound.
Agad na nagresponde ang mga pulis ngunit pagdating nila sa kanilang target ay mabilis na nakatakas ang mga suspek.
Narekober ng mga otoridad ang 4,800 rims ng ibat-ibang klase ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng 2.4 milyon pesos.
Matatandaan na bulto-bultong smuggled cigarettes ang nasamsam ng mga pulis sa bayan ng Aleosan at Libungan Cotabato.
Sa ngayon ay patuloy ng pinaghahanap ng Libungan Municipal Police Station (MPS) ang mga suspek.