Smokey Mountain
-- Advertisements --

Magsasama-sama sa kakaibang pagkakataon ang sikat na ’90s youth group na Smokey Mountain at kanilang founder na si Ryan Cayabyab para sa isang online benefit concert.

Gaganapin ang nasabing concert sa Hunyo 30 dakong 8 p.m. kung saan magiging benefits dito ang World Wide Fund (WWF) for Nature.

Bahagi ito ng #Conservatunes concert series, isang livestream fundraising concert para sa environment at wildlife preservation.

Magugunitang binubuo ng grupo nina Geneva Cruz, Tony Lambino, Chedi Vergara, Jayson Angangan, James Coronel at ang founder nila si National artist Ryan Cayabyab.

Ilan sa mga pinasikat nilang awitin ay ang “Da Coconut Nut”, “Paraiso” , “Anak ng Pasig” at maraming iba pa.

-- Advertisement --