Nilinaw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na exempted ang small-scale online sellers sa pagbabayad ng 1% withholding tax sa electronic marketplace operators at digital financial service providers.
Kabilang sa mga exempted na online sellers ay kapag ang kanilang taunang gross remmitances sa online seller o merchant sa nakalipas na taxable year ay hindi lumagpas sa P500,000 o kapag ang pinagsama-samang gross remmitances sa online seller/merchant sa taxable year ay hindi lagpas sa kalahating milyon.
Gayundin, kapag ang seller ay exempted mula sa pagbabayad o subject sa mababang income tax rate salig sa anumang umiiral na batas o kasunduan.
Saklaw naman sa pagbabayad ng 1% withholding tax ang Online shopping apps, food delivery apps, online hotel booking sites, transport service apps at iba pang online platforms. Gayundin ang e-wallet platforms gaya ng GCash at Paymaya.