Pinag-aaralan na raw ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagpapataw ng multa operator ng South Luzon Expressway (SLEX) at Skyway kaugnay ng matinding traffic sa northbound nito dahil sa ginagawang extenstion project.

Ayon kay Raymundo Junia, board member ng TRB, sinisilip na rin nila ang posibilidad na tapyasan ang toll fee ng SLEX.

“We are just waiting for the officials of SLEx and Skyway to make an offer. If they don’t, we will do the necessary action,” ani Junia.

Pinuno ng board ang pamunuan ng SLEX at Skyway bigo umano ang mga ito na magpatupad ng mitigating measures sa dapat sana’y inasahan ng traffic na idudulot ng kontruksyon.

Sa nakalipas na linggo, naging kalbaryo ng mga motoristang nanggagaling sa Timog na bahagi ng Metro Manila at Luzon ang one-way scheme ng SLEX dahil sinakop na ng kontruksyon ang malaking bahagi nito sa area ng Alabang, Muntinlupa.