Nagsalita na ang aktor na si Slater Young matapos na isisi sa kanilang pamilya ang naganap na malawakang pagbaha sa Cebu noong Nobyembre 4, 2025.
Pag-aari kasi ng pamilya ng celebrity engineer ang Mont Property Group na siya umanong naging dahilan ng malawakang pagbaha noong dumaan ang bagyong Tino na ikinasawi ng mahigit 100 katao.
Sa kaniyang social media account ay naglabas ito ng video kung saan iginiit nito na walang kinalaman ang kanilang negosyo sa pagbaha.
Dagdag pa nito na nakatulong pa ang nasabing real estae para mabawasan ang pagbaha sa kanilang lugar.
Nagbigay na rin itong pakikiramay sa mga kaanak ng mga nasawing pamilya dahil sa pagbaha.
Ipinaliwanag nito ang kaniyang pananahimik dahil gumugulong na aniya ang imbestigasyon ukol sa nasabing usapin.















