-- Advertisements --

Buhay pa rin ang pag-asa ng Philadelphia Sixers matapos mapuwersa ang Game 7 nang talunin ang Atlanta Hawks sa Game 6 sa iskor na 104-99.

Sa ngayon tabla na ang serye sa tig-tatlong panalo makaraang makaganti ang Sixers sa nagpapatuloy na NBA semifinals game.

Phila Sixers 76ers Embiid seth harris
Photo courtesy @sixers

Gagawin ang do-or-die sa Game 7 sa Lunes sa teritoryo ng Sixers.

Sinuman ang manalo sa naturang laro ay haharapin sa Eastern Conference semifinals ang magwawagi naman sa hiwalay din na serye sa pagitan ng Brooklyn Nets at Milwaukee Bucks.

Sumandal ang No. 1 na Sixers sa performance ni Seth Curry na nagtapos sa 24 points kabilang na ang anim na 3-pointers para maiwasan ng team na tuluyang ma-eliminate.

Malaking tulong din ang nagawa ni Tobias Harris na nag-ambag ng 24 points kasama na ang apat na free throws na kanyang naipasok may 13 seconds ang nalalabi upang proteksiyunan ang kanilang hawak na lead.

Ang big man naman na si Joel Embiid ay nagbuhos din ng 22 points at 13 rebounds.

Sa Atlanta naman si Trae Young pa rin ang pilit na nanguna para makaalpas sila sa mainit na shooting ng 76ers.

Pero sa huli nasayang ang kanyang 34 points at 12 rebounds.

Tinangka pang mag-rally ng Hawks mula sa 18 at 26 points na deficit na kung nagkataon ay nasungkit nila ang back-to-back games para ibulsa ang serye doon sana sa harap ng kanilang mga fans sa Game 7.