Naitala ang six-month record low ng mga remittances mula sa mga overseas Filipino workers noong Nobyembre, 2022.
Ito ay base sa data na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang cash remittances-money transfers na idinaan sa mga bangko o formal channels sa naturang buwan ay pumalo sa $2.644 billion o katumbas ng mahigit P141 billion.
Mas mababa ito sa naitala noong buwan ng Mayo ng parehong taon na $2.425 o P131 billion.
Mas mababa rin ito sa naitang $2.944 billion o mahigit P160 billion na naitala noong buwan ng Oktubre pero mas mataas naman sa $2.502 billion noong November 2021.
Ang year-to-date cash remittances naman ay lumago sa $29.380 billion o katumbas ng P1.6 trillion mula sa $28.430 billion o mahigit P1.5 trillion sa comparable period ng 2021.
Base sa inilabas na data, nakapagtala ang US ng 41.4 percent ng total remittances mula Enero hanggang Nobyembre 2022.
Sinundan ito ng Singapore na mayroong 6.9 percent, Saudi Arabia na mayroong 5.8 percent, Japan na may 5.1 percent, United Kingdom mayroong 4.7 percent at United Arab Emirates na may 4.2 percent.
Sumunod pa rito ang Canada, 3.6 percent; Qatar, 2.8 percent; Taiwan, 2.7 percent; South Korea, 2.5 percent at ang ibang mga bansa ay mayroong 20.3 percent.
Ang mga personal remittances, ang kabuuang halaga ng transfers na ipinadala sa pamamagitan g cash o in-kind sa mga informal channels ay nanatili sa $2.931 billion na siya ring pinakamababa sa loob ng anim na buwan mula nang maitala ang $2.705 billion noong Mayo.
Ito na ang pinakamababa kumpara sa $3.227 billion noong buwan ng Oktubre pero mas mataas naman sa $2.770 billion noong November ng nakaraang taon.
An year-to-date personal remittances ay nasa $32.649 billion na mas mataas sa $34.884 billion sa parehong period noong 2021.