-- Advertisements --
Inamin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may sistemang pinapalakad ang ahensya para mahuli ang maanomalyang gawain na ginagawa ng ilang ospital at wellness centers, kasunod ng kontrobersya sa “ghost dialysis treatments.”
Sa isang panayam sinabi ni PhilHealth spokesperson Dr. Gigi Domingo, may machine learning ID system ang ahensya na nakaka-detect sa kataka-takang application ng claims para sa mga pasyente.
Bukod dito, mismong sa Form 4 ng PhilHealth claims ay may feature na makapagtuturo umano ng potensyal na kaso ng fraud o panlilinlang.
Nitong Linggo nang isuspinde ng PhilHealth ang 38 opisyal at empleyado nito na pinaghihinalaang sangkot sa kontrobersya.