SILVERTINO 1

NAGA CITY – Nanawagan ngayon si Camarines Sur 3rd District Rep. Gabby Bordado sa pamahalaan na ayusin ang sistema lalo na ngayong nandyan pa rin ang banta ng coronavirus pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bordado, sinabi nitong kailangang magsilbing aral na ang nangyari kay Michelle Silvertino, tubong Calabanga, Camarines Sur at kamakailan lamang ng bawian ng buhay sa ilang araw na paghihintay ng bus sa Pasay pauwing Bicol.

Ayon kay Bordado, nagpapakita lamang ito na may problema sa sistema lalo na sa mga uuwi sa mga probinsya sa ganitong sitwasyon.

Nabatid na una nang nakiusap si Bordado sa alkalde ng Pasay na maicremate ang bangkay ni Silvertino base sa kahilingan ng mga anak nito na maiuwi parin ang kanilang ina ngunit hindi na aniya pumayag ang LGU dahil nailibing na ito.

Nabatid na ilang mg opisyal at grupo na rin ang nagpaabot ng tulong sa naulilang mga anak ng nasabing biktima.