-- Advertisements --
Papalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang severe tropical storm Siony na may international name na Atsani.
Ito’y makaraang manalasa ang bagyo sa extreme Northern Luzon ngayong araw.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 130 km sa kanluran hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.
May taglay itong lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Samantala, pumasok na sa PAR ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng bansa.
Namataan ito sa layong 1,000 km sa silangan ng Eastern Visayas.