-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Department of Health Officer in Charge Usec. Maria Rosario Vergerie na inaprubahan na nila ang Sinovac bilang alternatibo sa mRNA vaccine.
Aniya, napatunayan nila na mabisa at ligtas ang Sinovac Vaccine na ibigay sa mga bata kontra COVID-19.
Ngayong kabilang na ang Sinovac Vaccine sa papayagan na naiturok, umaasa ang ahensiya na mas madadagdagan pa ang bilang ng mga mababakunahan.
Magugunitang sa ngayon, tanging ang Pfizer at Moderna lamang ang pinapayagan na iturok sa mga bata edad 5 hanggang 17-anyos.
Umapela naman ang ahensiya sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para magkaroon ng depensa laban sa virus lalo pa at may bagong sub variant na nakapasok sa bansa.