Nakatanggap ng dalawang parangal mula sa Philippine army ang singer at army reservist na si Ronnie Liang.

Ginanap ang awarding ceremony sa 44th Founding Anniversary celebration ng Armor Division sa Armor Pambato Division Headquarters sa Camp O’Donnel sa Tarlac.

Pinarangalan ito ng Meritorious Achievement Medal at Disaster Relief Rehabilitation Operation Ribbon dahil sa pagiging COVID-19 frontliners nito.

Iginawad mismo ni Army Commanding General Lt. General Gilbert Gapay at Armor Pambato Division Commander Major General Robert Dauz.

Mula kasi noong lockdown ay itinalaga ang singer na umaalalay sa mga medical workers sa pagamutan.

Labis naman ang pasasalamat ng singer sa kasundaluhan dahil sa pagkilala na kaniyang natanggap.